
"Filipino: Wika ng Saliksik" ay nangangahulugang ang wikang Filipino ay dapat gamitin para sa pagpapaunlad ng kaalaman at pagpapalawak ng pag-iisip. Kinikilala ang wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. "Wika ng saliksik", nakasentro ito sa wikang Filipino na apat ay pinapahalagahan dahil sa ang wika ang magiging daan tungo sa kaunlaran ng bansa. Sa paghahanap at pangangalap ng impormasyon at pagbabahagi ng karunungan ang gamit ng wika. gamit ang mga impormasyong nakakalap, napapalawak ang kaisipan at kaalaman sa mga bagay-bagay.
Tatak na sa isip ng bawat Pilipino na ang wikang Tagalog ang sentro ng pakikipagkomunikasyon. Ito na ang pagkakakilanlan mo bilang isang Pilipino. Ang ating wikang Filipino, ating ipagmalaki, ating ipagyabang, sapagkat dahil dito, napayayabong ang kultura ng Pilipinas at ang dugong nananalaytay sa bawat Pilipino.
PHOTO CREDITS:
https://www.google.com/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwj_1aH62NTcAhXFa7wKHavzD8IQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fphilnews.ph%2F2018%2F07%2F20%2Fbuwan-ng-wika-2018-deped-kwf-memorandum-theme%2F&psig=AOvVaw0gwe-FqxkKEgJuUJGMFfJ_&ust=1533516666822428
No comments:
Post a Comment